Ang Special Program for Employment of Students (SPES) ay programa ng DOLE na naglalayong matulungan ang ating kabataan na magkaroon ng ekstrang pagkakakitaan habang nakabakasyon na makakatulong para sa tuition at gastusin para sa kanilang pag-aaral.
Suportado ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang ganitong mga programa lalo na kung may kinalaman sa kabataang Angateños. 60% ang sagot ng lokal na pamahalaan sa kanilang suweldo at 40% naman ay sa DOLE.
Comments