Simula ika-20 ng Oktubre, nagdagdag ang Social Security System (SSS) ng benepisyo sa Funeral Benefit Program para sa kanilang mga miyembro. Sa ilalim nito, ang mga pumanaw na miyembro na may 36 o higit pang buwanang kontribusyon ay maaaring makatanggap ng funeral benefits mula P20,000 hanggang P60,000, batay sa kanilang naihulog na kontribusyon at average monthly salary credit.
Kabilang sa mga sakop ng Funeral Benefit Program ang embalming services, burial transfer services at permits, funeral services, cremation o interment services, pagbili o pagrenta ng kabaong, pagpapagawa ng nitso o pagbili ng memorial lot at memorial/funeral insurance plan.
Comments