top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

State of Municipality Address: Sulyap sa Hinaharap ng Asenso at Reporma

Updated: 3 days ago


Sa pangalawang taon ng kanyang panunungkulan, inihayag ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista ang ulat ng kasalukuyang kalagayan ng Bayan ng Angat at mga naisakatuparang programa sa ilalim ng kanyang administrasyon. Sa ginanap na State of the Municipality Address (SOMA), ipinakita niya ang mga natapos na proyekto at mga hinaharap pang hakbang para sa ikauunlad ng bayan.


Kasama si Vice Mayor Arvin Agustin, na nagbahagi ng ulat tungkol sa mga nagawa ng Lehislatibong Sangay ng Bayan, binigyang-diin ng dalawang lider ang sampung pangunahing programa ng Team Jowarvin na inilunsad noong 2022. Ang mga programang ito ay nakatuon sa pag-unlad ng serbisyong pampubliko, pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan ng mga Angatenyo.


Narito ang sampung pangunahing programa ng administrasyon:

1. Ang Pagtitiyak ng Serbisyong Pangkalusugan sa bawat pamayanan ng Angat sa pamamagitan ng pagbabalangkas ng Komprehensibong Programang Pangkalusugan para sa mga Angatenyo.

2. Ang Pagsusulong ng Abot-Kaya at De-Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng suporta sa mga pampublikong paaralan at scholarship program sa mga mag-aaral na disapat ang kakayahan sa buhay.

3. Ang Pangangalaga sa Kalikasan at Kalinisan ng Bayan. Patas, maka-kalikasan at makataong regulasyon sa mga extractive environmental activities at komprehensibong pagpapatupad ng Solid Waste Management Program sa bayan.

4. Ang Pagpapaunlad ng Agrikultura at Kalagayan ng Magsasaka at iba pang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng makabuluhan at angkop na ayudang agrikultural at akwa-kultural.

5. Ang Pagpapatupad ng Komprehensibong Programa para sa Kaayusan ng Trapiko.

6. Pagpapaunlad ng Industriya upang makalikha ng dagdag na hanapbuhay.

7. Ang pagbabalangkas ng mga alternatibong programang pangkabuhayan para sa mga maralitang sektor upang matiyak na masugpo ang kagutuman at magkaroon ng kapayapaan at kaayusan sa bawat pamayanan.

8. Pagsasaayos ng mga Imprastraktura ng Bayan para sa Kapakinabangan ng Mamamayan.

9. Suportang Programa para sa mga Barangay Volunteers (Barangay Tanod, BHW, Mother Leaders, LLN, Iba pa).

10. Ang Pagsusulong ng Tuwid, Tapat at Maka-mamamayang Pamamahala sa Gobyerno


Dumalo sa nasabing kaganapan sina 6th District Cong. Ador Pleyto, BM Art Legaspi, at BM Jay De Guzman, kasama ang iba pang mga kinatawan mula sa Sangguniang Barangay, mga guro, at mga kawani ng pamahalaan. Ang SOMA ay nagsilbing gabay upang higit pang mapalakas ang tiwala ng mga Angatenyo sa kanilang liderato habang sila’y patuloy na nagtutulungan para sa asenso at reporma ng ating bayan.

1 view0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page