top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Talakayan Patungkol sa Paksang Kontekstwal na Pamamahayag, Isinagawa


Isinagawa ngayong araw ang Joint Project ng Municipal Information Desk at Local Youth Development Council upang makabuo ng talakayan patungkol sa paksang Kontekstwal na Pamamahayag.


Ang kontekstwal na pamamahayag ay isang mahalagang kasangkapan para sa mga lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan nito nakakatulong ang mga mamamahayag na ipaalam sa mga mamamayan ang tunay na nangyayari sa ating bayan. Isa ito sa bumubuo ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Nagreresulta rin ito ng maayos na pakikipag-ugnayan sa sibiko.


Layunin ng aktibidad na ito na mapalawig ang kaalaman ng ating mga kawani sapagkat malaki ang impluwensya ng social media sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon sa taong bayan. Isinusulong din ng gawaing ito na malinaw na maipakita sa pamayanan ang mga ginagawa ng pamahalaan para sa mamamayan nito.


Ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon William Vergel De Dios, Designated PIO Aldwin John F. Fajardo, LYDO Keanne Mangcucang at ang mga social media managers ng bawat tanggapan.


5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page