Taos-pusong pakikiramay mula sa Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga naulilang pamilya at kaibigan ni Kapitan Wenceslao 'Winnie' Bernardo ng Barangay Marungko.
Sa kanyang paglilingkod, naging halimbawa siya ng dedikasyon at malasakit sa kanyang nasasakupan. Ang kanyang alaala ay mananatili sa puso ng bawat isa na kanyang natulungan at pinagsilbihan.
Nawa'y matagpuan ng lahat ng nagmamahal sa kanya ang kapayapaan at lakas sa panahon ng pagdadalamhati.
Comments