Ginanap sa Municipal Conference Hall ang taunang Municipal Voluntary Blood Donor Recognition and Awarding, kung saan binigyan ng pagkilala ang mga masisipag at matulunging blood donors bilang pasasalamat sa kanilang walang sawang suporta sa Voluntary Mobile Blood Donation.
Pinangunahan ang programa ng ating Municipal Health Officer (MHO) na si Dra. Guillerma Bartolome, kasama ang kanyang mga kawani. Nagpakita rin ng suporta ang mga lokal na opisyal, kabilang sina Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at mga Konsehal na sina Blem Cruz, William Vergel De Dios, at Wowie Santiago. Dumalo rin ang ilang mga punong barangay upang magbigay pugay sa mga donor.
Ang nasabing programa ay naglalayong hikayatin ang mas marami pang mamamayan na mag-donate ng dugo, isang hakbang na makakatulong sa pagligtas ng mga buhay at pagpapalakas ng sistema ng kalusugan sa ating bayan.
Comments