Noong nakaraang buwan ng July 20, 2023 nagsimula na mag-ikot ang ating Municipal Treasurer's Office (MTO) -Land Tax Department, Municipal Assessor's Office (MASSO) at kasama din natin ang isa sa mga Mother leader ng purok ng barangay para madaling matukoy ang lugar na aming pupuntahan na naaayon sa aming talaan o (record). Para sa kampanyahan ng pagbabayad ng buwis na mga ari-ariang di natitinag o (Real Property) na matagal ng napabayaang buwisan.
Kaya ito ay ginagawa para mabigyan ng kaalaman at ipabatid sa ating mga mamayanan sa bayan ng Angat na ito ay taunang binabayaran. At kung hindi maaayos kaagad, may mga kaukulang multa at ito ay maaaring ialok ng lokal na pamahalaan para sa public auction.
Comments