Sa patuloy na masigasig na pagsasakatuparan ng mga ibat ibang programa sa ating bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, matagumpay na naisagawa ang "Training Course on the Operation and Maintenance of Rice Machinery" sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 11203 o mas kilala bilang "Rice Tarrification Law" upang mapaghusay ang kasanayan ng ating mga magsasakang Angateño.
Ang programang ito masiglang sinuportahan ng mga magsasaka mula sa Brgy. Donacion. Ang mga ganitong programa ay malaking tulong sa ating mga kababayang Angateño upang sa gayon ay mas maging produktibo, episyente at higit na maging instrumento upang lumawak ang kanilang kaalaman sa pagsasaka. Nakadadagdag din ang mga tulad nito sa patuloy na pag-unlad ng sektor ng sakahan sa ating bayan.
Katuwang sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Kon. William Vergel De Dios Kon. Darwin Calderon, Dating Punong Bayan Lito Vergel De Dios, at Undersecretary Oscar F. Valenzuela na isinagawa sa DenMerc Agritech Farm na matatagpuan sa Donacion, Angat, Bulacan.
Comments