Sa pamamagitan ng PESO Angat sa ilalim ng Pamahalaang Bayan ng Angat, naglunsad po tayo ng pagsasanay para sa TESDA Course na Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NCI. Nakapaloob ito sa Training for Work Scholarship Program ng TESDA sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cong. Salvador ADOR Aquino Pleyto
Dalawampu’t limang estudyanteng Angatenyo ang kalahok sa pagsasanay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Global Alliance Technological Institute.
Inaasahan na ang kasanayang makukuha mula dito ay mapapakinabangan ng mga kalahok sa kanilang paghahanapbuhay.
Comments