top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Kabataang Angatenyo, Nagtanim para sa Kinabukasan

Updated: Mar 28, 2023


Matagumpay na naisakatuparan ang Tree Planting activity sa Banaban, Angat na pinangunahan ng aking mga anak mula sa Jowable Youth.


Pinamagatang PLANt AHEAD, PLANT A TREE, layunin ng aktibidad na maitulak ang mga kumpanya ng quarry operators sa ating bayan na gampanan ang gawaing rehabilitasyon sa kalikasan at makapag-ambag sa mitigasyon ng negatibong epekto ng Climate Change.


Sa pamamagitan ng inisyatiba ng mga kabataang JOWABLE, sama samang nagtuwang sa pagtatanim ng mga fruit-bearing trees ang pribadong kumpanya na CAVDEAL (Cavite Ideal International Construction & Development Corporation) at mga susing kagawaran sa Pamahalaang Bayan ng Angat—ang MDRRMO (Municipal Disasater Risk Reduction Management Office) at MENRO (Municipal Environment and Natural Resource Office).


Ang aktibidad na ito ay itinaon sa pagsasakatuparan ng EARTH HOUR ngayong Marso 25. Inaasahan na sa mga susunod na buwan ay masusundan pa ang kagaya nitong mga makabuluhang aktibidad para sa ating kalikasan.







22 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page