Ngayong araw ay naghatid ng relief items ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni MDRRMC Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan.
Sinigurado ng Lokal na Pamahalaan ng Angat na maiaabot ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni #PepitoPH.
Naisakatuparan ang mabilis na aksyon na ito matapos ang maayos at maagap na situational briefing kasama ang ating MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista, MSWDO Angat, at ang MDRRMO Angat.
Asahan na laging nakasuporta at nakahanda ang Lokal na Pamahalaan ng Angat sa bagyong #PepitoPH
Maging Handa, Ligtas, at Panatag Angateño!
Comments