Batayan ng pagbabago ang pagkakaroon ng mga tulay. Ito ay nagsisilbing tanda ng pagbubukas ng isang lugar para sa isa, pagdurugtong ng mga oportunidad, daluyan ng merkado at tawiran ng sining, kultura, agrikultura, kalusugan at edukasyon.
Sa araw na ito, sinimulan na itindig ang alternatibong tulay na magiging daan para sa minimithi at sinisimulan na Asenso at Reporma sa bayan ng Angat.
Ang nasabing proyektong ito ay nagbigay muli ng buhay at pag-asa sa mga mamamayan ng barangay Baybay at Laog. Ito ay magdudulot ng kapakinabangan hindi lang sa lahat ng mag-aaral, manggagawa kundi lalo na sa mga magsasaka na pinagkukunan ng produktong agrikultural.
Pinangunahan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan, Cong. Salvador Pleyto, mga kawani mula sa DPWH sa pangunguna ni DE George Santos, Kap. Anthony Raymundo, Kon. Marife Sarmiento at mga mamamayan ng barangay ng Baybay at Laog.
Sinisigurado ng ating lokal na pamahalaan na naririnig, naiintindihan at hindi binabalewala ang mga suliraning nararanasan ng ating mga kababayan. Kaya't patuloy na pinagsusumikapan ng ating pamahalaang bayan na magkaroon ng kinakailangang pondo para maipatayo ang orihinal na tulay sa lugar ng Baybay - Laog.
Comments