Sa kagandahang loob ng Kinatawan ng Ikatlong Distrito Tita Lorna Silverio, matagumpay na naisagawa ang pagbibigay ng Tulong Edukasyon sa humigit-kumulang 300 mag-aaral mula sa mga bayan ng Angat (144), Norzagaray (111) at DRT (44).
Bagamat ang mga bayan ng Angat at Norzagaray ay hindi nakabilang sa nasasakupan ni Cong. Silverio, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagtulong sa ating mga kabataang mag-aaral dahil batid niyang wala pang pondong nakaukol sa taong ito para sa kasalukuyang Kinatawan ng Ikaanim na Distrito.
Taunang nag-uukol ng pondo si Tita Lorna para sa Tulong Pang-edukasyon sa pamamagitan ng prograng AICS ng DSWD.
Comments