top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Tulong Eskwela Program sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang kita Program (AKAP)


Isinagawa kamakailan sa Angat Municipal Gymnasium ang Tulong Eskwela Program sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang kita Program (AKAP). Sa nasabing programa, 600 mag-aaral mula sa bayan ng Angat ang pinagkalooban ng tulong pinansyal, na naglalayong magbigay ng karagdagang suporta sa kanilang pag-aaral.


Ang nasabing programa ay bahagi ng inisyatibo mula sa ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez, katuwang si Congressman Salvador "Ador" Pleyto. Layunin ng programa na matulungan ang mga mag-aaral na may pangangailangan, lalo na ang mga mula sa pamilyang kapos sa kita.


Dinaluhan ito ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, kinatawan ni Congressman Salvador Pleyto na si Kon. Badong Pleyto, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.


Ang programa ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na maitaguyod ang edukasyon ng mga kabataan, lalo na ang mga nasa mahihirap na kalagayan.

5 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page