Kasabay ng pagdiriwang ng Kapistahan ni Sta. Monica, sinimulan ngayong araw ang Misting at Disinfection activities sa mga pampubikong paaralan sa bayan ng Angat.

Mula sa inisyatiba ni Kon. William Vergel De Dios, muli pong nakipagtulungan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa ating Pamahalaang Bayan upang isagawa ang apat na araw na Misting and Disinfection upang maging ligtas sa mga sakit na nakakakahawa ang ating mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Layunin nitong puksain ang mga posibleng pangitlugan ng mga lamok na nagdadala ng sakit gaya ng dengue gayundin ang pagpuksa sa mga virus na maaaring kumapit sa mga mag-aaral at iba pang sektor na nagtutungo sa mga paaralan.
Ang serbisyong ito ay libereng inihatid ng MMDA sa bayan ng Angat bilang bahagi ng kanilang mandato para sa Health, Sanitation and Urban Protection at Public Safety.
Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ipinaaabot po ng inyong lingkod ang taos pusong pasasalamat sa mga bumubuo ng MMDA Team! Ipagpatuloy po natin ang mga makabuluhang gawaing gaya nito!
Comments