Para po sa kabatiran ng lahat, muli po namin itong ipinopost dahil marami pong nagtatanong tungkol sa AICS.
Ang AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) ay ang integrated services ng DSWD na naglalayong makapagbigay ng agarang tulong sa mga mahihirap at bulnerableng indibidwal o pamilya sa panahon ng krisis.
Ang ating Kinatawan ng Ikaanim na Distrito ay naglalaan ng pondo mula sa kanyang Congressional Fund sa DSWD upang magamit sa programang ito at makatulong sa mga nangangailangang sektor sa ating distrito.
Kabilang sa mga handog na tulong ng programang AICS ang mga sumusunod:
1.Pantustos sa Maintenance Medicines
2.Tulong Pambayad sa Hospital Bill
3.Pambayad sa Medical Procedures (gaya ng CT-Scan, MRI, Ultrasound, at iba pa)
4.Pambayad sa mga Medical Treatments (Dialysis, Chemotherapy, iba pa)
5.Tulong Pampalibing
Upang ma-avail ang anumang tulong, kailangang magpasa ng mga dokumento ayon sa pangangailangan. Nakalakip dito ang listahan ng mga requirements
Comments