Isinagawa ang Tulong Pangkabuhayan para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation, na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga walang hanap-buhay. Nakilahok ang 352 na benepisyaryo sa nasabing programa.
Sa pagpapatupad ng oryentasyon, buong-loob na ipinaalam sa mga benepisyaryo ang kanilang mga gampanin at responsibilidad sa paglilinis at pangangalaga sa komunidad.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Sen. Francis Tolentino at sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang suporta sa programa na naglalayong magdulot ng tulong sa mga mamamayan.
Comments