top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

TUPAD Orientation sa 531 Mamamayang Angatenyo



Sa Angat Municipal Gymnasium, isinagawa ang Tulong Pangkabuhayan para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Orientation na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga mamamayan na walang hanap-buhay. Sa pagtitipon na ito, aabot sa 531 benepisyaryo ang nagtagumpay na naging bahagi ng programang ito.


Sa pangunguna ng Pamahalaang Bayan ng Angat, isinagawa ang oryentasyon upang ipaalam sa mga benepisyaryo ang kanilang mga gampanin at responsibilidad na kinapapalooban ng paglilinis at pangangalaga sa ating komunidad. Ito ay naglalayong palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan sa pag-aambag sa kaayusan at kalinisan sa ating bayan.


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay taos-pusong nagpapahayag ng pasasalamat kay Cong. Salvador Pleyto at sa kanyang mga kasamahan sa patuloy na suporta at pagkakaloob ng programa na nagdadala ng tulong sa ating mga lokal na residente. Ito ay isang halimbawa ng pagkakaisa at pagkalinga ng gobyerno para sa mga nangangailangan.

4 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page