Isinagawa sa Matias A. Fernando Memorial School ang Tupad Payout o Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers kung saan nasa mahigit kumulang na 400 mamamayang Angatenyo ang naging benipisyaryo ng isinagawang programa sila ay naglinis sa loob ng sampung araw at sila ay tatanggap ng 4,600 bilang kanilang insentibo.
Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpapasalamat sa ating butihing Cong. Salvador Pleyto sa patuloy na pagbaba ng mga programang tulad nito na may malaking kapakinabangan sa mga Angatenyo. Ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng TUPAD ay upang matulungan na matugunan ang kanilang mga agarang pangangailangan at mabigyan sila ng pagkakataon na mapabuti ang antas ng kanilang pamumuhay.
Comments