top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

TUPAD Payout para sa Mahigit 400 na Mamamayang Angatenyo



Sa bagong renovate na Angat Municipal Gymnasium isinagawa ang pamamahagi ng TUPAD Payout o TULONG PANGHANAPBUHAY SA ATING DISADVANTAGED/DISPLACED WORKERS. Ang benepisyaryo nito ay nasa mahigit 400 na mamayang Angatenyo. Ito ay isang hakbang na nagpapakita ng malasakit at suporta ng lokal na pamahalaan para sa mga sektor ng lipunang nangangailangan ng tulong at oportunidad sa trabaho.


Aktibong nakiisa sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin L. Agustin at Sangguniang bayan Members pati na rin ang ating OIC PESO Daizerina Pascual.


Ang Pamahalaang Bayan ng Angat ay nagpahayag ng pasasalamat kay Sen. Joel Villanueva sa kanyang patuloy na pagtulong sa ating bayan. Ang iyong suporta ay nagbibigay lakas sa mga proyektong ito na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan. Sa ganitong paraan, patuloy na umaasenso ang bayan sa pamamagitan ng mga proyektong naglalayong magdulot ng kaginhawaan at pag-unlad para sa lahat ng mga mamamayan nito.


4 views0 comments

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page