TYPHOON SAFETY TIPS
Ito ang ilan sa mga safety tips upang makaiwas sa sakuna at maging handa sa kasagsagan ng bagyo.
1. Wag magpanic at maging kalmado
2. Mag imbak ng mga pagkain hindi na kailangan pang lutuin.
3. Ihanda ang Flashlights, kandila, lighter/posporo, battery operated radio, first aid kit.
4. I-check ang inyong bahay kung may mga dapat kumupunihin at ayusin agad ito.
5. Dalhin sa ligtas na lugar ang mga hayop.
6. Kung maari'y manatili na lamang sa loob ng bahay at mag-abang ng mga balitang ukol sa panahon.
7. Kung walang malinis na inuming tubig, pakuluang mabuti ang tubig na nagmumula sa gripo bago ito inumin.
8. Huwag pababayaan ang mga kandila/gaserang may sindi upang makaiwas sa aksidente/sunog.
9. Huwag lumusong sa rumaragasang baha dahil ito'y maaaring maging sanhi ng iyong pagkalunod o pagkakaroon ng sakit.
10. Kung maaari ay patayin muna ang main power switch upang makaiwas sa ano pa mang disgrasya o sakuna.
Comments