
Patuloy ang ating pagsisikap na tiyakin ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga proyekto sa ating bayan. Sa isinagawang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Upo, Barangay Donacion, personal na binisita at sinuri ang mga mahahalagang imprastrakturang inilaan para sa ating mamamayan—Farm to Market Road, Multi-Purpose Covered Court, at Bagong Barangay Hall bilang tugon sa pangangailangan ng ating kabarangay.
Bilang bahagi ng ating patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, pinagkalooban din ng bagong ambulansya ang Barangay Donacion—isang hakbang upang masigurong may mabilis at maaasahang tulong medikal para sa mga nangangailangan.
Tuloy-tuloy ang kaunlaran! Sama-sama nating itaguyod ang progresibong Barangay Donacion sa pamamagitan ng #AsensoAtReporma
Commentaires