
Andres Compound, Barangay Sta. Cruz
Patuloy ang ating pagsisikap na mapabuti ang ating komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan! Sa isinagawang Ugnayan at Umpukan sa Barangay Sta. Cruz, personal nating dinalaw at kinamusta ang mga residente, pati na rin ang progreso ng mga proyektong ipinatutupad sa kanilang lugar.
Isa sa mga pangunahing proyekto na binisita ay ang pagpapasemento ng Barangay Road (Pathway) — isang mahalagang hakbang upang masigurong ligtas, maayos, at mas madaling daanan ng ating mga mamamayan. Ang proyektong ito ay hindi lamang pagpapaganda ng daan, kundi isang pamumuhunan sa mas maginhawang buhay at mas maunlad na komunidad.
Dahil sa bukas na konsultasyon at aktibong partisipasyon ng bawat isa, mas napapabilis at napapaunlad natin ang ating bayan. Patuloy tayong magtulungan para sa isang mas progresibong Barangay Sta. Cruz!
Comments