
Sa bawat maayos na kalsada, may mas mabilis na biyahe, mas ligtas na daanan, at mas malakas na kabuhayan! Ito ang diwa ng Ugnayan at Umpukan sa Barangay Pulong Yantok, kung saan personal nating tinutukan ang pagsasaayos at pagpapagawa ng kalsada na isang pundasyon ng tunay na pag-unlad para sa buong komunidad.
Ang programang ito ay daan patungo sa mas maayos na pamumuhay. Sa pamamagitan ng maayos na kalsada:
Mas ligtas ang paglalakbay ng bawat residente mula sa mga mag-aaral, manggagawa, hanggang sa matatanda.
Mas mabilis ang transportasyon ng produkto, na nagpapalakas sa kabuhayan ng ating mga magsasaka at negosyante.
Mas episyente ang serbisyo, mula sa agarang tugon ng mga ambulansya hanggang sa iba pang tulong ng pamahalaan.
Sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan at pakikinig sa mamamayan, mas napapalakas natin ang mga programang tunay na may malasakit at kung papaano pa natin ito mapapabuti. Ang matibay na kalsada ay daan tungo sa isang mas matatag, mas maunlad, at mas progresibong Barangay Pulong Yantok! #AsensoAtReporma
コメント