top of page
bg tab.png

"Umpukan at Ugnayan” at “KKK People's Day" Idinaos sa Sitio Sentinela, Pulong Yantok

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Updated: 3 days ago

Isinagawa ang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) at Konsultasyon, Kalinga, Kape (KKK) People's Day sa Sitio Sentinela, Barangay Pulong Yantok. Pinangunahan ito ni Punong Bayan Reynante S. Bautista kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, at si Bokal Jay De Guzman. Layunin ng programa na personal na kamustahin ang mga residente, bisitahin ang mga isinasagawang proyekto, at maghatid ng iba’t ibang serbisyo sa mamamayan.


Kasama sa mga proyektong binisita ang pagpapasemento ng Barangay Road na naglalayong mapabuti ang daloy ng transportasyon sa lugar. Bukod dito, nagbigay rin ang lokal na pamahalaan ng mahahalagang serbisyo tulad ng:

- MOBILE BOTIKA

- PHILHEALTH REGISTRATION

- PNEUMONIA VACCINE

- MEDICAL ASSISTIVE DEVICE

- AICS

- SENIOR CITIZEN'S ID

- PWD ID

- SOLO PARENT'S ID

- JOB & LIVELIHOOD SEEKERS' CORNER

- MOBILE PRINTING SERVICE

- PSA Document Certificate Application (Birth, Marriage, Cenomar, etc.)


Nagpapasalamat ang pamahalaang bayan sa Sangguniang Barangay ng Pulong Yantok, sa pangunguna ni Kapitan Renato San Pedro, sa kanilang pakikiisa at suporta sa matagumpay na pagpapatupad ng programa.

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page