top of page
bg tab.png

Umpukan at Ugnayan, Isinagawa sa Sitio Gulod, Barangay Sulucam

Isinagawa ang programang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Gulod ng Barangay Sulucan upang bigyang-pansin ang kasalukuyang mga proyekto ng pamahalaang bayan at direktang marinig ang mga hinaing ng mga residente.


Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang pagtitipon, kasama sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, Sangguniang Bayan members, at sina Bokal Art Legaspi at Bokal Jay De Guzman. Kaisa rin sa programa ang Sangguniang Barangay ng Sulucan sa pamumuno ni Kapitan Eric Cruz.


Isa sa mga pangunahing tinalakay sa programa ang Barangay Road Concreting na may habang 176 metro. Ang proyektong ito ay naglalayong mapabuti ang daan sa Sitio Gulod upang mapadali ang biyahe ng mga residente, mapaigting ang kaligtasan, at mapabilis ang paghatid ng mga serbisyo sa komunidad.

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page