
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang programang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Tugatog, Barangay Marungko.
Layunin ng naturang aktibidad na makisalamuha sa mga residente at masuri ang mga proyekto ng pamahalaang lokal, kabilang ang kasalukuyang pagpapasemento ng Barangay Road. Sa pamamagitan ng programang ito, direktang nakakausap ng mga opisyal ang mga kabarangay upang matiyak na epektibo at kapaki-pakinabang ang mga proyekto para sa komunidad.
Comments