top of page
bg tab.png

Umpukan at Ugnayan: Lokal na Panahalaan, Binisita at Inispeksyon ang mga Proyekto sa Barangay Donacion

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Isinagawa kamakailan ang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Upo, Barangay Donacion, kung saan personal na binisita at ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ang mga proyektong ipinapatupad sa lugar.


Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang naturang aktibidad kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, mga kasapi ng Sangguniang Bayan, at Sangguniang Barangay ng Donacion sa pamumuno ni Kapitan Jessie Calderon. Layunin ng aktibidad na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga proyektong pangkaunlaran sa barangay.


Ilan sa mga proyektong binisita ay ang Farm to Market Road, Multi-Purpose Covered Court, at ang bagong Barangay Hall na inaasahang magbibigay ng mas magandang serbisyo at pasilidad para sa mga residente ng Baraingay Donacion. Bilang bahagi rin ng kanyang malasakit sa barangay, pinagkalooban din ng ating Punong Bayan ang Barangay Donacion ng sariling ambulansya na magagamit sa mga agarang sitwasyong medikal.


Patuloy namang tiniyak ng ating Punong Bayan Reynante S. Bautista na magpapatuloy ang pagtutok at pagsuporta sa mga proyektong pangkaunlaran upang matiyak na lahat ng mamamayan ay makikinabang sa mga programang inilalatag ng kasalukuyang administrasyon.






Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page