Umpukan at Ugnayan: Pagpapatibay ng Serbisyo Publiko sa Barangay Banaban
- Angat, Bulacan
- Mar 27
- 1 min read

Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, kasama si Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga kasapi ng Sangguniang Bayan, ang programang Umpukan at Ugnayan sa Barangay Banaban. Layunin ng programa na direktang makasama at marinig ang hinaing ng mga mamamayan, gayundin ang pagbabahagi ng mga proyekto at programa ng pamahalaang lokal.
Isa sa mga pangunahing tinalakay sa pagtitipon ang Barangay Road Concreting project, na naglalayong mapabuti ang kalidad ng mga daan sa barangay upang mapadali ang pagbiyahe at pag-unlad ng komunidad. Katuwang ang Sangguniang Barangay ng Banaban sa pagsasagawa ng aktibidad.
Comments