Umpukan at Ugnayan: Pagsusuri sa mga Proyekto ng Pamahalaang Bayan sa Sinang Inductivo Villas HOA
- Angat, Bulacan
- Mar 24
- 1 min read

Isinagawa kamakailan ang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sinang Inductivo Villas Homeowners Association (HOA) ng Barangay Taboc upang bisitahin at suriin ang mga proyektong inilulunsad ng pamahalaang bayan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.
Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista ang programa, kasama ang Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Katuwang din nila ang Sangguniang Barangay ng Taboc sa pamumuno ni Kapitan Edsel Lopez upang masuri ang kasalukuyang mga proyekto sa lugar.
Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsasagawa ng Barangay Road Concreting na may 102 metrong haba upang mapabuti ang daloy ng trapiko at masigurong ligtas ang daan para sa mga residente. Kasabay nito, isinasagawa rin ang pagpapatayo ng Drainage Canal upang maiwasan ang pagbaha at mapanatili ang maayos na sistema ng tubig sa komunidad.
Comments