top of page
bg tab.png

UMPUKAN AT UGNAYAN SA BARANGAY STA. LUCIA

Writer: Angat, BulacanAngat, Bulacan

Isinagawa ang Umpukan at Ugnayan sa Sitio Parangan at Sitio Pire 2 ng Barangay Sta. Lucia bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang bayan na direktang makausap, makadaupang-palad, at mapakinggan ang ating mga kababayan—sa mismong mga komunidad nila.


Sa pagtitipon, tinalakay ang mga isyung mahalaga sa mamamayan at sinuri ang mga proyekto at serbisyong isinasagawa o ilulunsad pa lamang. Ito ay pagkakataon upang mas mapatatag ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan, batid na ang epektibong serbisyo ay nagsisimula sa bukas na pakikipag-usap at tapat na pagkilos.


Sa Sitio Parangan at Sitio Pire 2, ramdam ang pagkilos ng gobyernong may malasakit—at tiyak, itutuloy natin ang #AsensoAtReporma!

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page