
Sa patuloy na adbokasiya ng pamahalaang lokal na ilapit ang serbisyo sa bawat sulok ng bayan, matagumpay na isinagawa ang Umpukan at Ugnayan sa Barangay Banaban, isang bukas na talakayan kasama ang mga residente upang mapakinggan ang kanilang mga hinaing, mungkahi, at mga pangangailangan.
Sa pagtitipon na ito, mas pinaigting ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan. Kasabay nito ang pagbibisita sa mga kasalukuyang proyekto at pagpaplano ng mga programang tunay na makakatulong sa pang-araw-araw na buhay ng ating mga kababayan sa Banaban.
Sa bukas na komunikasyon at tapat na paglilingkod, tiyak ang direksyon natin: mas inklusibo, mas epektibo, at mas progresibong Angat! #AsensoAtReporma
Commentaires