
Matagumpay nating naisagawa ang Umpukan at Ugnayan sa Purolk 5 at Purok 6 ng Barangay Paltok na isang makabuluhang hakbang upang direktang marinig ang boses ng ating mamamayan. Sa pamamagitan ng Community Project Monitoring & Assessment na ito, ating tinalakay ang mga proyektong patuloy nagawa at nagpapabuti sa kanilang pamumuhay. Dito mas napapakinggan natin kung paano direktang najkaapekto ang mga programang iinilunsad ng pamahalaan sa kanilang komunidad.
Sa bawat kwento ng ating mga kababayan, mas lumalalim ang ating pang-unawa kung paano tayo dapat makipagtulungan. Hindi sapat ang pangakong pag-unlad—kailangang ito’y maramdaman at mapakinabangan. Kaya naman, hindi tayo titigil sa pakikinig at higit sa lahat, sa agaran at pangmagtagalang pagkilos para sa mas maunlad, mas inklusibo, at mas progresibong Angat.
Dahil sa Angat, walang iwanan, walang maiiwan, at lahat ng boses mapapakinggan.
コメント