top of page
bg tab.png

UMPUKAN AT UGNAYAN SA SINANG INDUCTIVO VILLAS, BRGY. TABOC

Isinagawa ang Umpukan at Ugnayan kasama ang Homeowners Association ng Sinang Inductivo Villas sa Brgy. Taboc bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng pamahalaang bayan na mas mapalapit sa taumbayan ang serbisyo at solusyon.

Sa bukas na talakayan, personal na nakinig at tumugon ang ating mga lingkod-bayan sa mga hinaing, mungkahi, at pangangailangan ng mga residente mula sa usaping imprastruktura, seguridad, hanggang sa mga serbisyong panlipunan.

Ang aktibidad na ito ay patunay na sa isang pamahalaang nakikinig at kumikilos, ang bawat boses ay may halaga, at ang bawat sambahayan ay mahalaga. Patuloy nating isusulong ang isang progresibong pamayanan na tunay na ramdam ang #AsensoAtReporma

Comments


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page