
Proyektong Kalsada, Progresong Ramdam!
Sa patuloy na pagsusumikap na mas mapalapit sa taumbayan, isinagawa ang Umpukan at Ugnayan (Community Project Monitoring & Assessment) sa Sitio Tubigan, Brgy. Binagbag.
Tampok sa lugar ang Road Asphalting Project na may habang 270 metro, isang mahalagang hakbang upang mas mapabuti ang daloy ng transportasyon, mapabilis ang paggalaw ng kalakal at serbisyo, at higit sa lahat, matiyak ang kaligtasan ng mga dumaraan lalo na sa panahon ng tag-ulan.
Patunay ito ng malasakit ng pamahalaan na isang konkretong hakbang tungo sa mas maayos na pamumuhay at mas progresibong Brgy. Binagbag. Dahil sa tuloy-tuloy na pakikipag-ugnayan at pagkilos, mas ramdam ang #AsensoAtReporma
Comments