Unang Anibersaryo ng Dialysis Center sa Angat, Isang Pasasalamat at Pag-asa para sa Bayan
Ginanap ang Thanksgiving Celebration para sa 1st Anniversary ng Dialysis Center sa Angat Municipal Gymnasium. Ang programa ay dinaluhan ng mga dialysis patients, sa pangunguna ni Dr. Roberto Tugade, Operation Manager ng Renal Solution Dialysis Center, kasama ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin, at Sangguniang Bayan members.
Sa puso ng selebrasyon, ibinahagi ng mga pasyente ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa pagkakaroon ng serbisyong malapit at abot-kaya. Sa mensahe ni Roderick De Guzman: "Sinamahan nyo kami sa laban namin. Ang pagkakaroon ng dialysis center ay hindi lang pasilidad kundi tahanan para sa amin."
Isang pasasalamat din mula kay Rochelle Iman: "Damang-dama namin ang malasakit dahil halos wala na kaming binabayaran. Maraming salamat, Mayor Jowar, at sa lahat ng tumulong."
Patuloy nating suportahan ang mga inisyatibong nagbibigay ng tunay na serbisyo at malasakit sa ating bayan!
Comments