Nagtipon ang mga department heads ng lokal na pamahalaan para sa kanilang unang quarterly meeting ng Management Committee. Nagkaroon ng pagkakataon ang bawat pinuno ng departamento na ibahagi ang kanilang mga accomplishment reports at mga susunod na hakbang na mag-aambag sa pag-unlad ng ating bayan.
Pinangunahan ang pagtitipon ng ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, kasama ang kanyang mga kasamahan sa pamahalaan na sina Pangalawang Punong Bayan Arvin Agustin at Kon William Vergel De Dios. Layunin ng pulong na suriin ang bawat opisina sa kanilang pagganap, upang matiyak na ang bawat tungkulin bilang isang lingkod bayan ay naaayon sa mga inaasahang pamantayan.
Kabilang sa mga agenda ang mga pagsusuri sa mga proyektong pangkaunlaran, mga plano sa imprastruktura, at mga hakbang upang mapalakas ang mga serbisyong pampubliko. Sa pamamagitan ng pag-uusap at pagtutulungan, layon ng komite na mapaigting ang kaunlaran at kaginhawaan ng kanilang nasasakupan.
Sa pagtatapos ng pagpupulong, hindi nakalimutan ang magpasalamat sa ating MLGOO Carla Marie Alipio para sa kanyang walang-sawang suporta at gabay sa bayan ng Angat.
Comments