top of page
bg tab.png
Writer's pictureAngat, Bulacan

Unang Semestre ng National Local Social Pension, Ipinamahagi sa 1038 Senior Citizens sa Bayan ng Angat


Tinanggap ng ating mga senior citizens ang kanilang National Local Social Pension (1st semester) mula sa pondong nasyunal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang kaganapang ito ay idinaos sa Angat Municipal Gymnasium kung saan nagtipon ang mahigit isang libo at tatlumpu't walong (1038) indibidwal na benepisyaryo upang tanggapin ang kanilang tulong-pinansiyal.


Kasama sa programa ang ilang mga opisyal ng bayan kabilang ang ating Punong Bayan na si Reynante S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan na si Arvin Agustin, pati na rin ang mga konsehal na sina William Vergel De Dios, Blem Cruz, Darwin Calderon at Wowie Santiago.


Ang pagtitipon ay hindi lamang naglalayon na magbigay ng tulong-pinansiyal, kundi pati na rin upang ipakita ang suporta at pagmamahal ng pamahalaang lokal sa ating mga minamahal na senior citizens. Ang pamahalaang lokal ay patuloy na magpapamalas ng dedikasyon sa pagpapalago ng mga proyekto at programa na magdudulot ng mas magandang benepisyo para sa mga mahal nating senior citizens sa ating bayan.

2 views0 comments

Comentarios


Angat_Logo.png
AsensoAtReporma (1).png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page