top of page
AsensoAtReporma (1).png
bg tab.png

Kabataang Angatenyo, Natuto ng First Aid at Rescue Boat Handling


Inilunsad ng ating Local Youth Development Council ang pagbibigay kaalaman sa mga kabataang Angatenyo patungkol sa Basic First Aid Training at Rescue Boat Handling.


Ang programa ay pinanguhan ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office na kung saan sila ay humarap sa pagsasanay at malalim na kaalaman sa kahalagahan ng Early Response to Emergencies, Circulation Emergencies at tamang pagsasagawa ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR).


Nakasama natin sa programa ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista, Kon. Darwin Calderon, mga Youth Organizations mula sa JOWABLE Youth, Parish Commission on Youth, Partners for Change-Marungko, LGBT-Angat, Rotaract Club of Angat at Pederasyon ng Sangguniang Kabataan.


Ang mga paksa ng pagsasanay na ito ay mahalaga para sa paghahanda at pagtugon sa sakuna. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kasanayang ito sa mga miyembro ng LYDC, tinitiyak ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na ang mga lokal na kabataan ay handa upang tulungan ang kanilang komunidad sa oras ng krisis at di inaasahang pangyayari na maaaring maging mahalaga sa pagliligtas ng mga buhay at pagliit ng epekto ng mga sakuna. Binibigyan din nito ng kapangyarihan ang mga kabataan na maging maagap at nakikibahagi sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas matatag na komunidad.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
bottom of page