Dumalo ang ating Punong Bayan Reynante S. Bautista sa Graduation Ceremony ng Alternative Learning System. Ito ang ika-14 na taong Pagtatapos ng ika-4 na taong Paglilipat antas "Gradweyt ng K to 12: Hinubog ng Matatag na Edukasyon".
Nakiisa din sa programa sina Angelita C. Baltazar (District Supervisor) Edgardo C. Macarasig (EPSA II-ALS), at mga kinatawan ng ating Congressman Salvador Pleyto, Gov. Daniel Fernando, Vice Gov. Alex Castro at mga guro mula sa Matias A. Fernando Memorial School.
Sa ngalan ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ipinaaabot po namin ang aming mainit na pagbati sa 240 na nagsipagtapos ng ALS mula sa antas ng elementarya at Junior Highschool.
Ang inyong pagtatapos ay nagsisilbing isang nagniningning na halimbawa kung paano mabibigyang kapangyarihan ng edukasyon ang mga indibidwal upang baguhin ang estado ng buhay. Ang inyong tagumpay ay hindi lamang nagdudulot ng karangalan sa inyong mga pamilya at kaibigan ngunit nagbibigay din ng inspirasyon sa iba at sa ating komunidad.
Comentarios