Upang pangalagaan ang kalinisan at kalusugan ng bawat mamamayan sa ating bayan, nagsagawa ng isang pagpupulong nang sa gayon ay mabigyang linaw ang usapin patungkol sa pagsasaayos ng suplay ng tubig at ang pagkakaroon ng maayos na palikuran sa bawat kabahayan.
Dinaluhan ito ng ating MLGOO Carla Marie Alipio, MENRO Evaliza De Guzman, Municipal Administrator Noel Alquino, CSO Organizations, at MPDO Belen S. Avestruz. Ito ay ginanap sa Municipal Conference Hall.
Comments