
Nakakataba po ng puso ang handog ng Solo Parents Association of Angat ngayong Araw ng mga Puso! Nagbigay sila ng biglaang pagbisita sa opisina at nagpaabot ng mga bulaklak bilang tanda ng kanilang pagmamahal at pagpapahalaga.
Isang simpleng kilos pero punong-puno ng kahulugan— paalala na ang paparating na Araw ng mga Puso ay hindi lamang para sa magkasintahan kundi para sa lahat ng nagmamalasakit at nagmamahal nang walang hinihintay na kapalit.
Maraming salamat sa inyong sorpresa at sa inyong patuloy na pagmamahal sa ating komunidad!
Comments