
WALANG PASOK ang mga mag-aaral ng pre-school, elementary at high school sa bayan ng Angat sa Oktubre 14, 2024 bilang pagbibigay-daan sa Pagbubukas ng GulayAngat Festival 2024.
Hinihikayat din ang mga insitusyong pang-kolehiyo na isuspinde ang face-to-face classes upang hindi maabala sa pagpasok ang mga guro at mag-aaral dahil sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko mula 5:30 ng umaga.
Inaasahan ang pang-unawa at pakikiisa ng sang-Angatenyo!
Comments