Batay sa inilabas na Memorandum Order ni Gov. daniel Fernando, suspendido na din po ang pasok ng mga tanggapan ng pamahalaan sa lalawigan ng Bulacan maliban sa mga tanggapan na may kinalaman sa health/social/emergency response.
Nasa pagpapasya ng mga pribadong establisimyento at tanggapan ang suspensyon ng trabaho sa kanilang nasasaklawan.
Muli, maging handa at ligtas po tayong lahat
sa mga banta ng Super Typhoon Karding.
Comments