Bago magpalit ng taon ay nakiisa ang ating Punong Bayan Reynante "Jowar" S. Bautista at Kon. William Vergel De Dios sa kagaganap lamang na Year End Assessment para sa taong 2022 ng ating mga Lingkod Lingap sa Nayon (LLN) at Mother Leader sa Bayan ng Angat. Pinangunahan ito ni Lucille Venturina at Jeremy Mariano ng Municipal Nutrition Action Office na ginanap sa ating Municipal Evacuation Center.
Inaasahan ng ating Punong Bayan na sa mga susunod pang taon ay mas mapaghusayan pa ang inyong serbisyo na handog sa ating mga mamamayang Angateño.
Comments